OFW For A Day I by Alex Gonzaga

2,154,731
0
Published 2024-06-23

All Comments (21)
  • Be honest everyone, siya lang ung vlogger na gumawa lahat ng "in a day" na hindi kaya ng ibang vloggers
  • Bakit ako naiyak dito.😭 Sobrang naawa at naappreciate ko Mother kong OFW sa Malaysia dahil dito😭 Pagkasabi ni Ate Jocelyn na iba ang saya nila kapag nakakamusta sila, agad agad kong iniskipped tong video at chinat ko agad ang Nanay ko, after nun siempre binalikan ko at tinapos tong Vlog. 😭Thankyou, Ms. Alex. God bless you always.
  • @clarence17
    43 yrs ng OFW si mama, napuntang Spain at the age of 17, at currently mag 12 yrs na sa London. Lahat ng naipundar nya sa Pilipinas nung nag work sa Spain ay nawala na parang bula ng dahil sa Papa namin, binenta at ni sinko walang nakuha, kung itatanong ninyo bakit hindi iniliban may karapatan, soooobraaaang bait kase ng nanay ko. 1st bf nya napangasawa nya si papá. Kaya Kahit masakit para di madamay mga kamag anak ni mamá sa ugali noon ni papá, Sige bahala ka, pera Lang yan kikitain nya pa. Kaya napagisipan lumipat ng U.K. at magsimulang muli. Pero senior na si mamá, sa edad na 60 masipag pa din sya at ayaw nyang umasa sa amin. Napaka bait talaga. Sya din ang tumulong sa mga 7 step siblings nya nung dalaga pa sya sa abroad never nyang inangkin na sya ang dahilan ng pag papatapos sa almost lahat ng mga stepsiblings nya kase dagdag tulong Lang naman daw yon at sa edad na 25 e nag asawa na nga daw. Kame na mga anak niya (2) dito na kame pinanganak sa Spain. Ng dahil sa nadanas psychological damage mula sa hiwalayan at pag Wala ng ariarian Kahit dito sa España pilit pa din lumalaban ang bunso kong kapatid, na hindi naka tapos dahil sa palipat lipat lagi dahil si mamá kung ano ang say ni papá yun na ang masusunod. Ako naman na panganay ang natayong “positive” may asawa na at 3 anak, house wife. Masayang masaya si mama pag na visit sa amin dito sa Spain, pero madami na ang sumasakit. Gusto pa daw nya tapusin ang tinatayo nyang bahay, at pag nag retire ay sa akin na sya titira para Laging happy. Btw yung papa nasa pinas. May contact pa din ako sa kanya kase tatay pa din syang pero si mamá naka move on na ang importante Kahit 60 senior may pangarap pa din sya. Ang fb nya ay CK MARALIT deserve nya ang the best dahil nanay/Lola syang THE BEST!
  • People may hate her sa kababawan na dahilan but we cant deny the fact that she is one of the vlogger who knows how to give back and stay humble, her content is always to make people smile, laugh and keep going, lets focus supporting this kind of vlogger, rather than those who use viewers to earn for their stressful drama , and scripted wars, lets all be wise choosing who to support.
  • @_rafa.0813
    Si Ma’am Alex lang talaga nakita kong vlogger na sinusubukan lahat ng trabaho ng ating mga kababayan. Nakakatuwa lang na naaappreciate nya yung mga paghihirap at sakripisyo ng bawat manggagawang FILIPINO. We love you Ma’am Alex 😘💗
  • Heloo po maam alex.ako po si maribeth kasalukuyang nagtrabaho sa uae.11years napo ako d2 !isang single mom po ako!bilang isang panganay po aq napo naging bread winner sa aking pamilya kahit sa simpleng paraan mkabawi mn lng ako sa mga magulang ko!kaya isinantabi ko nlng muna ang sarili kung kaligayahan para sa pamilya ko po kc mahal na mahal ko po mga magulang ko kaya handa ako magtiis para sa kanila po at sa aking anak na nag aaral pa!salamat po sa content ninyu na nkakatouch sa kagaya naming ofw!mabuhay po kayo and God bless po😊
  • @YZAchannel
    22 yrs na akong ofw dito sa korea wala pa akong mga pamangkin nong umalis sa pinas .ngayon halos laht ng pamangkin ko dalaga at binata na na halos di ko nakita pa.nuhay pa mga magulang ko ng umalis nagyon ulilang lubos na ako.maraming pagsubok n pinag daanan pero patuloy na lalaban dahil alam ko kaya ko dahil kasama ko ang Diyos na siyang lagi kong pinagkukuhanan ng kalakasan..MABUTI ANG DIYOS ALAM KO AT NANINIWALA AKO MAGANDA ANG PLANO NG DIYOS SA BUHAY KO..ANG GANDA NG CONTENT NA ITO DAHIL MAY DALA ITONG MENSAHE .GOD BLESS YOU MORE AT NAWA PATULOY KANG PAGPALAIN NG DIYOS AT IBIGAY NA ANG DEEPEST HEART DESIRE MO..IM PRAYING FOR YOU CATH.

    YOANA ZEMIRA GONZAGA ATIENZA
  • my mam is OFW sa Hong Kong and she is working for 36 years now and she is now 63 and still working...ayaw syang pauwiin ng kanyang alaga and yung alaga nya is going to college now.i am blessed that she Is my mom kasi she sacrifices a lot just to give us a better life. her name is Gloria Bogaoan...thanks mis Alex
  • Alex Gonzaga is Alex Gonzaga talaga ih. Mapa on cam o off cam pa yan talagang walang pagbabago. The best ka talaga ate!! Biruin mo yon isa sya sa nakakagawa ng ganyang content na walang halong ka-plastikan or for content lang, bukal sa kalooban nya na gawin yung vlog/content. Proud kami sayo, AG! Mahal ka naming Netizen’s mo!! 🥹🤍🤍
  • Ang lola ko po ay ofw 36 yrs na sa HK isa lang naging amo upto now, we are always proud of her Dahil sa d matatawaran na skripisyo sa aming pamilya. Maraming hirap at sakripisyo bilang ofw. Napakswerte din nya sa amo dahil kapamilya na ang Turing sa kanya. we love her so much!
  • Nanay ko almost 30 yrs na ofw jan sa hk. Kaka retired nya lang 2 yrs ago. Isa sa mga masswerteng pinay ofw ang nanay ko ksi sobrang bait din ng amo nya. Lumaki kaming wala sya sa tabi namin pero alam namin na hindi sya nagkulang sa amin. At ngayon isa ndin akong ofw sa eu. Saludo ako sa nanay at tatay na ofw na malayo sa pamilya. Saludo din ako sa mga kabataan na ofw din. Payting lang us! 😊🫰🥰
  • Some will say, "para sa content lang yan", but for us na may pamilya na OFW this is a message na "ito ang buhay ng isang OFW", hindi madali at hindi magaan. Madali tayong manghingi, pero doble yung sakripisyo nila just to give our request.
  • @no-hv9qe
    Salute to the ate Jocelyn's employer na pumayag mg stay sa knila c ms. Alex. God bless to their family. Ingat ka plagi ate Jocelyn
  • I am a nurse by profession ng resign from work at nagpunta ng saudi pero nurse pa rin for 5 yrs..ng for good and then since mag college na yung pangalawa at bunso need mag abroad uli dahil d makapasok as permanent nurse uli sa pinas i tried to be Domestic helper in hongkong nangangapa ako kng kaya ko kasi hindi nman ako masyado hardworking pagdating sa house chores pero para sa mga anak kinaya ko by God guidance nakaya naman po..i am 10 yrs now and hk and perfectly doing fine sa work ko ngayun..hopefully mag for good na pagkatapos ng contract ko sa 2026 kasi naka pag aral naman na mga bata at may work na po sila..Just want to thank God nakayanan lahat lalo na noong pandemic na walang uwian..Laban lang kapwa ko OFw at DH pray lang tayo kay God para sa lakas natin araw araw..
  • @ruthguinto
    Nag work ako SA HK Ng 24 years, 22 years SA isang amo at 2 years SA ISA pang amo. Ako ngayon ay nandito na New Jersey USA. Mabuhay tayong mga OFW
  • Ofw's ako dito s Hong Kong for 24 yrs,pang dalwa kong amo toh at 16 yrs n ako dito,ako n ang nagpalaki s mga alaga ko 3 clang mgkakapatid,nung bago ako s kanila parang d ko kakayanin kc new born ang aalagaan parang d ko kaya ang laging puyat,pero dhil s 3 kong anak n gusto Kong mabigyan ng Magandang kinabukasan,maraming gabi na umiiyak ako pg naiisip ko ang mga anak ko,pero dahil s kanila kinaya ko lhat at awa ng Dios tapos n clang 3,ang panganay ko magna cum laude graduate,ang bunso ko scholar ng Afreight Forwarders,at pinapauwi n nila ako pero ayoko p nmn at wla akong gagawin satin,tatanda lng ako s dami ng problem ng mga tao s PINAS,kya dito muna ako at enjoyin ko ang buhay ko,😊😊
  • @CherryXII
    Hi Miss Alex, Ako po si Cherry ofw dito sa Hongkong..nag abroad dahil sa hirap ng buhay sa Pinas. 9 years and counting sa iisang amo lang taking care 2kids. Umabot na ng ganyan katagal dahil may 2 anak akong sinusuportahan..ngaun po sa awa ng dios ay pareho ng nasa college. Hindi madali ang maging OFW maraming hirap at pag titiis and more prayers talaga dahil kay papa G lng ako kumakapit para makayanan lahat kung ano mang pag subok na dumating, lakasan ang loob dahil wala nman tutulong kundi sarili lng din. Para sa mga kapwa ko ofws wag mawalan ng pag asa makakauwi din tayo sa sarili nating pamilya soon! laban lang.❤💪


    Gusto ko din magpasalamat sayo miss alex sa vlog na ito, hnd lng ito simpleng vlog kundi para ipaalam sa pamilya na nasa pinas na pahalagahan ang ginagawa naming mga ofw para sa kanila..at sana sa mga anak naman na naiiwan ng magulang sana maintindihan nyo na kaya kau iniwan at nag trabaho abroad ang nanay nyo dahil yan sa mahal kau, na mabigyan kau ng magandang kinabukasan..matupad kung ano man ang pangarap nyo sa buhay in the future. Good thing nman na niintindihan ako ng 2 anak ko..napakabait na mga bata na kahit gusto na nila akong makasama tiis muna talaga para sa future nila. Ginagawa ko ito para din makatapos ng pag aaral nila. Darating din ang panahon na magkakasama sama na din tayo. ❤
    Maraming salamat po Miss Alex, mabuhay & Godbless you🙏
    Fb: Cherry Besustringuez
  • Hi po miss Alex G. Ngaun ko lng po napnuod to la kxe kmi net s bahay. OFW po ako for almost 15 yrs sa middle east. Babalik p sna ako kya lng wla nmn ng mg aalaga sa nanay kopo bedridden. Danas kopo ang hirap ng malau sa pamilya tapos mdyo ndi p OK n punthan na amo. Kya proud po ako sa lahat NG mga ofw. Salamat at nakakapnuod po NG vlog mo.
  • @natasha_breath
    Ung pa last part ang nagdala 😂😂 thank u Alex G..nkakagaan ng kalooban na makita ito ung buong mundo...Lalo na Don sa mga Family ng mga ofws na walang paki bsta lang mka hingi...mabuhay ka Alex hanggat kailan mo gusto 😂❤❤❤❤❤❤ I love u a latte