It’s Showtime July 29, 2024 | Full Episode

Published 2024-07-29
Winner ang Lunes ‘pag kasama ang ‘Showtime’ family. Para mas maging panalo ang buong linggo mo, punuin ng happiness at good vibes ang puso. Simulan ‘yan with a fun rakrakan kasama ang bandang Mayonnaise.
Present din si Sue Ramirez na kasali sa theater show na “Little Shop of Horrors” with our very own Karylle.


At, syempre, ang babaeng inuulan ng blessings, Kim Chiu, wagi ang talent sa acting! Siya lang naman ang Outstanding Asian Star sa Seoul International Drama Awards 2024. Naging emosyonal si Kim nang pasalamatan ang isang espesyal na tao na pinag-aalayan n’ya ng tagumpay na ito. Nakatakdang lumipad pa-Korea si Kim para tanggapin ang parangal. Nag-volunteer si Ryan Bang na maging interpreter n’ya sa nabanggit na event. Papasa ba si Ryan sa kanyang impromptu ‘audition’?
Panalo ang aktingan nina Argus, Kulot, Jaze at Kelsey sa “Showing Bulilit.” May drama at action, merong intense confrontation. At may kasama pang kilig na eksena featuring Argus and Kelsey, na super cute sa pagbitaw ng Korean dialogue.


Pero bago ang masayang hulaan, si Darren Espanto muna ang bahalang pumili ng mga madlang people na mabibiyayaan.


Ang magkakapares ngayong Monday FUNanghalian: Kim Chiu at Ryan Bang, Jhong Hilario at Ion Perez, Jackie Gonzaga at Jugs Jugueta, Vhong Navarro at Karylle, Cianne Dominguez at Wize Estabillo, at Teddy Corpuz at MC.


Si Jackie, ginulat ang lahat nang ma-gets ang pamagat ng isang classic movie – paborito kasi ito ng kanyang mommy. Pero mukhang mas inspired sumagot si Kim, na agad nahulaan ang title ng pelikula ni Paulo Avelino. At napanindigan ang magandang simula, dahil sina Kim at Ryan ang tumapos ng laban. Pero makuha kaya nila nang buo ang papremyo sa jackpot round?


Si Claude, nagmahal nang buong puso. Binigay ang lahat para patunayang pag-ibig n’ya ay tapat. Pero sa dulo, iniwan nang walang paalam. Iniwan na hindi man lang nasasagot ang mga katanungan. Bakit nga kaya kung sino pa ang nagmamahal nang tunay, siya pa ang labis na nasasaktan? Pag-usapan natin ‘yan sa “EXpecially For You.”


Ramdam ang tensyon at emosyon nang magharap sina Claude at Cecil sa unang pagkakataon matapos ang kanilang breakup last year. Kwento ni Claude, labis ang pagtitiyaga n’ya para tumagal ang long-distance relationship nila. Buwan-buwan ay bumibiyahe siya mula Bulacan pa-Albay ng 14 oras para lang mapuntahan si Cecil. At kahit sa mga araw na sila’y magkalayo, nag-e-effort siya para iparamdam ang kanyang pagmamahal. Pinatotoohanan naman ni Cecil ang mga kwento ni Claude.


Pero dalawang araw matapos ang kanilang last monthsary, si Cecil, nawala na parang bula. At sa unang pagkakataon, muli silang nagharap at nag-usap. Malalaman na ni Claude ang mga dahilan kung bakit si Cecil ay bigla na lang nang-iwan at ang relasyon nila’y hindi na pinaglaban.
Winner ang madlang people na kumasa sa challenge ng “Spelling V.” Two thousand pesos ang cash prize na naghihintay sa live audience member na makaka-spell ng salitang babanggitin ni Vice Ganda.


Umuulan talaga ng papremyo at saya sa “It’s Showtime.” Kaya catch up na sa mga kaganapan sa paborito mong programa tuwing FUNanghalian!

#ShowtimeTNT3rdMidterms
#ItsShowtime
#MadlangPipol

All Comments (21)
  • I love showtime kahit nasa Pilipinas pa Ako after work pinapanood ko Ang showtime pampawala Ng pagod ... I love you showtime family 🤩 specially meme Vice ❤❤❤
  • @julietselma731
    nakakalungkot ang pagkawala ni Sir Deo😢😭kung pwede lang sana humingi sa Dios ng dagdag buhay sa mga taong kagaya nya😢pero pagka kc gusto na ng Dios na bawiin na buhay natin wala naman tayong magagawa😢I cried sooo much for Sir Deo now😭😭😭
  • @soyempatica5406
    "I don't have a heart to hurt you" Love that song Poor Claude Hope it works out with whoever he picks
  • ❤ Showtime , super happy❤ Let share peace and happiness to everyone as much as we can. ❤
  • @user-vw6ib8rc6t
    Omg! Nkita ko ulet sir Monty anak ng amo ko dati sa alabang vocalist ng mayonnaise band😊bait po nyan 😊watching from Riyadh.
  • @soyempatica5406
    Cecil would have been prettier if she had her teeth fixed cause she has a nice smile
  • Ang classic naman ng mga outfit ni Kimmy lately. Kudos Kim I am a Kimpau fan # Florida
  • @wyndeegrace
    Ang cute talaga nina argus at kelsey😍😍🤩🤩
  • @MrPanget1970
    Karyl, bakit andyan kq pa dapat maginat ka dobleng pag iingat medyo may idad na tayo at baka kaya ng isip mo at hindi ng katawan mo waiting for small karyll or baby boy yael soon
  • @PC-sq4vp
    Malaki talaga effect ng magandang ngipin sa face ng tao
  • Do we need a reservation . I just want to know pkease and thankyou❤❤❤