THINK ABOUT IT by TED FAILON - 'Global Boiling' | #TedFailonAndDJChaCha

13,898
0
2024-05-10に共有
Tapos na ang global warming, at dumating na ang panahon ng global boiling. Naitala na pinakamainit na panahon sa kasaysayan ng mundo ang mga taong 2014-2023, at walang duda na ang kasalukuyang taon ay maisasama bilang isa sa pinakamainit na taon. Tatlong beses na bumilis ang pag-init ng mundo mula 1982, na ngayo'y nagdudulot ng malawakang pinsala sa buhay at kabuhayan ng sangkatauhan. Sa Pilipinas, kasama sa pag-aaral ng Climate Change Action Plan ang pagpapasa ng National Land Use Policy upang makatulong sa bansa na maibsan ang epekto ng climate change at perwisyong idinudulot ng mga kalamidad, subalit tatlumpung taon na itong isinasalang sa Kongreso ay hanggang ngayon hindi pa rin ito naipapasa. Bagamat responsibilidad ng bawat isa sa atin na tumulong sa pangangalaga ng kalikasan, political will pa rin ng ating mga lider ang kailangan upang kahit paano ay mapabagal man lamang ang patuloy na pag-init ng mundo. Pero paano nga magkakaroon ng political will ang ating mga lider kung patuloy na makikipagsabwatan ang gobyerno sa mga ganid na tao sa mundo? Think about it.

---

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

www.facebook.com/News5Everywhere
twitter.com/News5PH
www.instagram.com/news5everywhere/
www.tiktok.com/@news5everywhere
🌐 www.news5.com.ph/

コメント (21)
  • @ElRom-tp3bt
    This is the real hot topic that must be discussed often, I hope that this would help our leaders be reminded of urgent things to raise, climate situation seems no turning back once it hits its ATH temperature. Thank you, Sir Ted!
  • Very true hight pa sa normal ang init at ulan. POLITICAL WILL ay isang mailap na realidad Kung magkatotoo , kurapsyon ang pumipigil Para mapatupad ito . Marami gusto mag introduce ng renewable energy pero ayaw mamuhunan dahil kurapsyon ang pumipigil
  • Pansin ko medyo iba na nga hangin ngayon. Masmahirap langhapin. Isa akong cyclist at runner so noticed ko yung difference ngayon
  • @ivanuseke24
    kaya pala d na nag aanak mga tao ngayon sa ibang bansa.. ngayon palang nakikita na natin ang future 😢
  • @nichgids845
    napakahusay muli na informative at educational na content topic vid shared Mr Ted Fylon👏🏼👏🏼👏🏼
  • @PrinceHDV
    wala na tayong magagawa. huli na ang lahat. dahil wala colaboration ang ibat ibang bansa laban sa climate change. isabay pa natin ang mga gera sa ibang bansa. kaya lalo tayong sa pasira ang clima ng mundo🔥🔥🔥
  • @yecyec77
    Balik na lang po tayo sa kalesa for short distances. Wag na mag manufacture sà factories ng mga hindi kelangang materials kagaya ng high tech smart phones. Tama na po ang pag update at pagsulong ng technology na hndi naman tlaga mahalaga sa buhay ng tao. Ang kelangan manufacture na lang mga gamot, pagkain,at medical supplies. Pero mga tupperwares at mga items na hndi naman importante itigil na ang Pag manufacture.
  • @Soned19
    kung sino man malaking sumira sa mundo sila magkumpuni wag na tayo idamay , talagang natural living naman tayo dto sa pinas e.😢
  • Ted Ang missiles at Ibang paputok Meron contribution sa sobrang init?!❤️🇵🇭
  • @ReyLigon
    salamat po sir Ted sa maliwanag na pag papaliwanag:face-blue-smiling::face-blue-smiling::face-blue-smiling::face-blue-smiling::face-blue-smiling::face-blue-smiling:
  • @AdrianDmax
    Makaka tulong pa dn ba plant more trees?
  • Very well said topic: Think About portion a very much staff gather information so much true, SALAMAT
  • @mryoutuber794
    Tama ang Bible na hindi kayang pamahalaan ng tao ang kanyang sarili na malayo sa Diyos at malapit ng wakasan ng Diyos ang pamamahala ng tao Daniel 2:44
  • Babalik ang tao sa mga kweba doon malamig at kayang kaya mabuhay sa pang matagalng panahon
  • @kimberly55199
    Ito nayung singil nang kalikasan gawa nang tao dahil sa kapabayaan sa kalikasan mukhang huli nang ang lahat paniningil na ito nang kalikasan sa tao ipag dasal nalang natin nasa nay mag karoon pa tayo nang magadang pag babago sa ating kalikasan 🙏😔😞